4 Tulak, arestado sa drug den
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 23, 2024
CAPIZ -- Apat na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang drug den sa Brgy. 9, Roxas City sa lalawigang ito.
Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng pulisya.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng siyam na pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments