4 tulak, arestado sa drug den
@Balitang Probinsiya | June 16, 2023
QUEZON -- Apat na drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan ang mga ito ng pulisya.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 9.2 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments