4 Tulak arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 9, 2023
TARLAC—Apat na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Tibag, Tarlac City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Zacaria Macaraob, Edmark Masa, Daniel Javier at Adrian Nacpil, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay, kaya nadakip dito ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 72 sachets ng shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments