4 tulak, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 25, 2020
Batangas—Apat na drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Darasa Compound, Tanauan City.
Kinilala ang mga suspek na sina John Villaluna, Ruel Dilay, Christopher Maranan at Mauro Lubrica, pawang residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang apat na suspek nang pagbentahan nila ng shabu ang mga operatiba sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu, markadong pera at shotgun sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments