4 teroristang Abu Sayyaf, sumurender
@Balitang Probinsiya | October 06, 2023
ZAMBOANGA CITY -- Apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko kamakalawa sa headquarters ng Naval Forces Western Mindanao Command na nakabase sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng ASG na nakabase sa Zamboanga Del Sur.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumurender na terorista na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASG upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments