4 terorista, sumuko
@Balitang Probinsiya | May 1, 2023
SULTAN KUDARAT—Apat na miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa sa Bgy. Kalandagan, Tacurong City sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa lalawigan.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang apat na sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments