4 terorista sumuko
@Balitang Probinsiya | March 13, 2023
SULTAN KUDARAT—Apat na miyembro ng terorista ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Kapaya, Bagumbayan sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista at hindi na rin binanggit ang kinaaniban nilang grupo na nag-o-operate sa lalawigan.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong terorista na nagsawa na sila sa matagal na panahong pakikipaglaban sa pamahalaan at nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang apat na sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.



Comments