top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

4 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 19, 2021


AKLAN—Apat katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang motorsiklo at tricycle kamakalawa sa Bgy. Bugasungan, Lezo.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Mark Reloj, Nicole Briones, Imelda Timola at Gieann Dimas, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Reloj habang kaangkas si Briones at ang tricycle na minamaneho ni Timola habang sakay ang pasaherong si Dimas kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na pawang ginagamot na ngayon sa ospital.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino kina Reloj at Timola ang may pananagutan sa aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page