top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 sugarol, timbog sa pusoy-dos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 12, 2021



NUEVA ECIJA—Apat na sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy-dos kamakalawa sa Bgy. Gabaldon, Science City of Muñoz.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Crisanto de Guzman, Bernardino Indab, Ramil Tibay at Ranilo Ramos, pawang nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nagsusugal ng pusoy-dos sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa apat na sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page