top of page
Search
  • BULGAR

4 sugarol, timbog sa pusoy

@Balitang Probinsiya | February 26, 2021



AKLAN—Apat na sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy kamakalawa sa Bgy. New Buswang, Kalibo.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Richard Tinapunan, 39-anyos; Antonio Damano, 74-anyos; Mark Tadya, 26-anyos at 16-anyos na hindi na pinangalanan ng pulisya.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nagsusugal ng pusoy sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa apat na sugarol.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page