4 sugarol, tiklo sa tupada

@Balitang Probinsiya | March 11, 2021
PAMPANGA—Apat na sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Amsic, Angeles City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Adan Rodriguez, 55-anyos; Reynaldo Homres, 61-anyos, Junel Sileres, 34-anyos at Raymart Solitarius, 23-anyos, pawang residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may kalalakihan nagtutupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at dinakip ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.
Sinampahan na ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments