top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

4 sugarol, tiklo sa pusoy-uno

BULGAR
May 28, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 28, 2021



AKLAN—Apat na sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagpupusoy-uno kamakalawa sa Bgy. Gibon, Nabas.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Teodoro Torejos, 28-anyos; Ferdy Sinampan, 27-anyos; Mark Geronimo, 30-anyos at Romelito Sulat, 52-anyos, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na may nagsusugal sa nasabing barangay ay agad nila itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa apat na sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page