top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

4 Sabungero timbog sa tupada

BULGAR
Nov 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 30, 2022


ALBAY—Apat na sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa bayan ng Libo.


Hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang apat na suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.


Nakakumpiska ang operatiba ng mga manok na panabong, cash at tari.


Samantala, nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page