4 sabungero, arestado sa tupadahan
@Balitang Probinsiya | December 13, 2021
SORSOGON--Apat na sabungero ang naaresto sa isinagawang pagsalakay ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Bgy. San Jose, Donsol.
Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan na nagtu-tupada sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek, pero nakatakas ang mga kasamahan nilang mga sabungero.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng tupada.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.



Comments