top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

4 notoryus na holdaper, nasakote

BULGAR
Apr 11, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 11, 2021


CAPIZ—Apat na notoryus na holdaper ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Jose, Roxas City.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Reymar Manalo, Redentor Amancio, Jad Manican at Rafael Abaracoso, pawang nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong robbery.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng mga holdaper kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek, na mga pawang sangkot sa mga holdapan sa lungsod.


Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page