top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

4 nagto-tong-its, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 05, 2021


ALBAY--Apat na sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagto-tong-its kamakalawa sa Bgy. Ilawod Bayan, Guinobatan.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Lauro Sta. Ana, Paul Casiple, Pio Cardinal at Ulysses Marilag, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga lalaking nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa apat na sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page