top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

4 nagsugal sa lamay, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 07, 2021


AKLAN—Apat na sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal sa lamay kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numjancia.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Rolino Crispino, Ray Puod, Joseph Protacion at Danny Carillo, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may nagsusugal sa lamay sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa apat na sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page