4 na tao patay sa Parañaque shootout
- BULGAR
- Jun 26, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - @News | June 26, 2020

Apat na katao ang patay at sinasabing 2 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf at Islamic State (IS) sa nangyaring kambal na operasyon ng pulis at militar sa Parañaque City dakong hating gabi ng biyernes.
Ayon kay Police Chief Robin King Sarmiento “Bensaudi Sali and his wife Merhama Abdul Sawari were to be served a search warrant in their residence in Better Living Subdivision. A shootout ensued after Sali and Sawari fired at the authorities, prompting them to retaliate which resulted in the death of the couple."
Ayon sa mga awtoridad na pinaplano ng dalawa ang mga aktibidad ng terorista. Sila rin ay kasama bilang financial conduit ni Daulah Islamiyah.
Napatay din sa operasyon sina Rasmin Hussin at Jamal Kalliming na kasama ang mag-asawa sa oras na iyon. Gayunman, sinabi ni Sarmiento na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpapatunay kung ang dalawa ay kasama ng mga terorista.
Narekober mula sa pinangyarihan ang dalawang watawat ng IS at ilang piraso ng bala, kasama ang dalawang hand grenades, improvised firing device, isang riple, hand gun at blasting caps.





Comments