Search
  • BULGAR

4 na Indonesian, nangmolestiya ng menor-de-edad, binugbog

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 15, 2020



Binugbog ang apat na kalalakihan sa ilalim ng tinatawag na ‘sharia law’ sa Indonesia nitong Martes dahil sa diumano’y pangmomolestiya sa mga menor de edad.


Isinagawa ang naturang parusa sa tapat ng prosecutors’ office sa North Aceh kasama ang mga armed policemen.


Nakasuot ng face masks ang mga kalalakihan habang pinaparusahan ng mga uniformed sharia officers gamit ang rattan stick.


Hinagupit ng 100 at 105 na beses ang dalawang kalalakihan na edad 18 at 21 dahil sa umano’y pakikipagtalik sa mga menor de edad.


Ang 25-year-old namang salarin ay hinagupit ng 75 na beses dahil sa pangmomolestiya sa isang bata at ang isa pa na edad 20 ay nakatanggap ng 30 hagupit dahil sa “sexual harassment.”


Pahayag naman ni North Aceh Deputy District Head Fauzi Yusuf, "The North Aceh government will keep enforcing Islamic sharia even to the village level, so things like these will not happen again in our region.”


Ang Islamic sharia law ay maaari ring isagawa sa mga kasong prostitusyon, gambling, adultery, pag-inom ng alak at “gay sex.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.