top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

4 na bahay, nasunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 19, 2023


AKLAN—Apat na bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Tabayon, Banga sa lalawigang ito.


Ang mga nasunog ay ang mga tahanan ng apat na magkakapitbahay sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nag-umpisa ang sunog sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, nadamay na nasunog ang tatlo pang kabahayan sa naturang lugar.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page