top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

4 miyembro ng ‘Termite Gang’ tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 8, 2023


PAMPANGA -- Apat na miyembro ng “Termite Gang” ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Matias, Guagua sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng pulisya ay pinara sila ng isang hindi pinangalanang security guard at sinabi na may mga nakapasok na magnanakaw sa binabantayan niyang establisimyento.


Dahil dito, agad pinasok ng mga awtoridad ang establisimyento at dito nadakip ang dalawang suspek, samantalang ang dalawa pang miyembro ng “Termite Gang” ay naaresto habang lulan ng kanilang get-away car.


Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na humukay at gumawa ng tunnel ang mga suspek sa isang bakanteng lote para makapasok sa establisimyento.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page