4 miyembro ng ‘Termite Gang’, tiklo
@Balitang Probinsiya | July 7, 2023
PAMPANGA -- Apat na miyembro ng “Termite Gang” ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Matias, Guagua sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng pulisya ay pinara sila ng isang hindi pinangalanang security guard at sinabi na may mga nakapasok na magnanakaw sa binabantayan niyang establisimyento.
Dahil dito, agad pinasok ng mga awtoridad ang establisimyento at dito nadakip ang dalawang suspek, samantalang ang dalawa pang miyembro ng "Termite Gang" ay naaresto habang lulan ng kanilang get-away car.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na humukay at gumawa ng tunnel ang mga suspek sa isang bakanteng lote para makapasok sa establisimyento.



Comments