top of page

4 miyembro ng pamilya, minasaker sa Bacolod

  • BULGAR
  • Apr 8, 2021
  • 1 min read

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 8, 2021




Apat na magkakamag-anak ang minasaker sa kanilang tirahan sa Barangay Tangub, Bacolod City na ngayon lamang nadiskubre matapos ang mahigit tatlong araw na pagpaslang sa kanila.


Batay sa ulat nitong Miyerkules, bumisita sa bahay ng mga biktima ang isang kamag-anak at doo’y ikinagulat niya nang makitang patay na sina Jocelyn Nombre, Gemma Espinosa, Michael Espinosa at isang batang babae.


Nakita niya ang bangkay ng bata sa sofa, habang nasa labas naman ang katawan ng ama, lola at isa pang kamag-anak na babae. Nakabukas umano ang gate ng bahay at may nakaharang lang na bakal sa lock nito.


Ayon naman kay Police Major Joery Puerto ng Bacolod City Police Station 8, “May sugat sila sa ulo. Ang isang babae, ginupit pa ang buhok niya. Ibig sabihin, may galit talaga ang pumatay sa kanila.”


Batay sa paunang imbestigasyon, hinihinalang tatlong araw nang patay ang mga biktima, at posibleng sa gabi sila pinatay dahil nakabukas pa ang ilaw sa bahay nang madatnan ang mga bangkay nila. Wala ring indikasyon na puwersahang pumasok ang mga salarin na hindi bababa sa dalawa. Wala namang iniulat na nawalang mahalagang bagay sa bahay nila.


Sa ngayon ay isinailalim na sa awtopsiya ang labi ng mga biktima, kung saan isang person of interest na ang nasa kustodiya ng pulis upang hingan ng statement. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa masaker.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page