4 Miyembro ng NPA, sumuko
- BULGAR
- Dec 19, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 19, 2022
ZAMBOANGA SIBUGAY—Apat na miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Titay.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang apat na sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng apat na NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong miyembro ng NPA, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang apat na sumukong komunista.



Comments