4 miyembro ng investment scam gang, tiklo

@Balitang Probinsiya | December 7, 2020
PAMPANGA—Apat na miyembro ng investment scam gang ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sindalan, San Fernando City.
Kinilala ang mga suspek na sina Grace de Guzman, Ronaldo Agsalud, Joselito Picarzos at Junilyn Dabalos, pawang residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, maraming negosyante na residente ng Baguio City ang nabiktima ng naturang sindikato.
Nabatid na na-engganyo umano ng mga suspek ang mga biktima na mag-invest sa negosyo nilang Phoenix Blitz, pero nang maibigan na ang pera ay hindi na nagpakita ang mga miyembro ng sindikato.
Dahil dito, nagsampa ng reklamo sa pulisya ang mga biktima kaya dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.



Comments