4 mangingisda, huli sa illegal fishing
@Balitang Probinsiya | August 23, 2023
PALAWAN -- Apat na mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Caponayan, Cuyo sa lalawigang ito.
Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng compressor sa panghuhuli ng isda sa nasabing karagatan.
Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.



Comments