4 kelot, timbog sa pusoy-dos
@Balitang Probinsiya | April 18, 2021
AKLAN—Apat na sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagpu-pusoy-dos kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jupiter Malihan, Elmer Ramos, Romeo Esmalana, at Mark Malihan, pawang residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihang nagpu-pusoy-dos sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at inaresto ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.



Comments