top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

4 kawatan ng pakwan, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 18, 2020



NUEVA ECIJA—Apat na magnanakaw ng pakwan ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bantug Hacienda, Talavera.


Kinilala ang mga suspek na sina Emil Samaniego, Lester dela Cruz at magkapatid na Randy at Rommel Bagawisan, pawang residente ng Bgy. Mabuhay sa nabanggit na bayan.


Nabatid na nakita ng mga magsasaka ang mga suspek na nagnanakaw ng mga pananim na pakwan sa naturang lugar.


Dahil dito, agad ini-report ng mga magsasaka ang pagnanakaw ng mga suspek kaya rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang apat na magnanakaw.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong qualified theft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page