4 Katao sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo
- BULGAR
- Nov 30, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 30, 2022
PALAWAN—Apat katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Melvin Tanio, Marcelo Bacalla, CJ Camacho at Andre Fuentes, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Tanio, na kinalululanan din nina Bacalla at Camacho at motorsiklong minamaneho ni Fuentes, kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, samantalang inaalam na ng mga awtoridad kung sino kina Tanio at Fuentes ang may pananagutan sa aksidente.



Comments