top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 karnaper nasakote

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 30, 2023


ILOILO—Apat na karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa bayan ng New Lucena sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nag-report sa pulisya ang biktimang si Job Misajon, nasa hustong gulang, na kinarnap ng mga suspek ang motorsiklo niyang nakaparada sa Iznart St., Iloilo City.


Nabatid na agad nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya kaya nadakip ang mga carnaper.


Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong carnapping.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page