4 kabahayan, natupok
@Balitang Probinsiya | October 01, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Apat na bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Taculing, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng hindi pinangalanang residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang apoy sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay nasunog ang tatlo pang kabahayan sa naturang lugar.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa apat na tahanan na nasunog sa nabanggit na barangay.



Comments