top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 HVT sa droga, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 18, 2023


QUEZON -- Apat na high-value target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa magkakahiwalay na lugar sa Lucena City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Marvin Dudas, Eric Oriola, John Oliver Mallari at Leonardo Dela Rosa, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga ito sa Bgy. Market View at Brgy. Ibabang Iyam, kapwa sa nasabing lungsod.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Kusang sumama naman sa pulisya at hindi nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page