4 holdaper, nasakote
- BULGAR
- Aug 27, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 27, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Apat na holdaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Palampas, San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jerico Burdago, Mar Sta. Ana at ang magkapatid na Michael at Francisco Toyugan, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang babaeng biktima ng mga suspek at ini-report na hinoldap siya at tinangay ng apat na holdaper ang kanyang cellphone.
Agad rumesponde ang mga operatiba kaya nadakip ang apat na holdaper habang nag-iinuman sa nasabing barangay.
Nakapiit na ang apat na suspek na pawang nahaharap sa kasong robbery.



Comments