4 estudyanteng tulak, nasakote
- BULGAR
- Mar 5, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 5, 2023
ZAMBOANGA DEL SUR—Apat na estudyanteng drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Balangasan, Pagadian City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Romeo Ramirez, Geovani Pikit-pikit, Jesson Natingor at Darren Guiting, pawang nasa hustong gulang, mga estudyante na nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ng mga suspek ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang apat na estudyanteng drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments