4 drug traffickers, arestado
- BULGAR

- Dec 14, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 14, 2020
PAMPANGA—Apat na drug traffickers ang nadakip sa isinagawang drug-bust kamakalawa sa Angeles City.
Nakilala ang mga suspek na sina Jose Estanilla, Christian Manlupig, Apple Arida at isang menor-de-edad na itinago sa alyas na Kuto, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments