@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 21, 2024
ILOILO -- Apat na drug trafficker ang nadakip sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Julius Aquino, Kirk Bunsay, Stephen Bunsay at Reye Gefes, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 90 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments