4 drug dealer, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | November 12, 2023
CAVITE -- Apat na drug dealer ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Molino 4, Bacoor City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Montaha Abbas, Norhata Abbas, Datu Modsol Bandong at Elsie Bandong, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng isang subdibisyon sa naturang lugar.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 3.5 kilo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments