top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

4 bag ng marijuana, natagpuan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2021
1 min read

Updated: Jan 9, 2021

@Balitang Probinsiya | January 2, 2021



KALINGA—Apat na bag na naglalaman ng marijuana ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Dangoy, Lubuagan.


Ang apat na bag ay natagpuan ng mga residente sa damuhan na malapit sa kalsada sa nasabing barangay.


Kaagad ini-report ng mga residente sa pulisya ang natagpuang apat na bag ng marijuana, at sa ngayon ay nasa pangangalaga na ito ng mga awtoridad.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang natagpuang mga marijuana ay nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang mga suspek na nag-iwan ng illegal drugs sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page