4 adik, tiklo sa pot session

@Balitang Probinsiya | April 2, 2023
SORSOGON — Apat na drug addict na nagsasagawa ng pot session ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Piot. Sorsogon City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na gumagamit ng shabu ang mga suspek sa bahay ng isa sa mga addict, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang apat na sugapa sa droga.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.



Comments