36 Komunista sumuko
@Balitang Probinsiya | December 20, 2022
SARANGANI – Tatlumpu't anim na miyembro ng komunistang New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Maasim sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na isinurender din ng mga komunistang NPA ang mga dala nilang armas, bala, subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng mga sumukong komunista na nais na nilang magbagong-buhay.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.



Comments