top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

35 miyembro ng NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 06, 2021


SORSOGON--Tatlumpu't limang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Castilla.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista.


Ayon sa ulat, na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga NPA ang dala nilang mga armas at subersibong dokumento.


Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page