32 komunista, sumurender

@Balitang Probinsiya | December 29, 2020
AGUSAN DEL SUR—Tatlumput-dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Butuan City.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista.
Nabatid na isinuko rin ng mga ito ang mga dala nilang baril, bala at subersibong dokumento sa pulisya sa nasabing lalawigan.
Ayos sa mga sumukong komunista ay nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.
Isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments