top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 wanted na mangingisda nasakote

BULGAR
Nov 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 9, 2022


SORSOGON—Tatlong wanted na mangingisda ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Irosin.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Kenny delos Santos, 26-anyos; Junny delos Santos, 22-anyos at Mars Geronilla, 24-anyos, pawang residente sa nabanggit na lalawigan.


Napag-alamang inaresto ng mga operatiba ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong illegal fishing sa lalawigan.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga operatiba sa nasabing lugar.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page