3 tulak timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 01, 2023
CAPIZ -- Tatlong drug pusher ang naaresto at isang kasamahan nila ang nakatakas sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Loctugan, Roxas City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Francis Balgos, Mark Hicalde at Katherine Tuazon, samantalang ang nakatakas naman ay si Jonathan Bilan, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa isang drug den sa nasabing lugar sina Balgos, Hicalde at Tuazon, pero mabilis na nakatakas si Bilan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga nadakip na suspek at pinaghahanap pa si Bilan na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments