3 tulak, tiklo sa drug den
- BULGAR
- Jul 21, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 21, 2023
CAVITE — Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Molino IV, Bacoor City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.



Comments