3 tulak, tiklo sa buy-bust
- BULGAR
- Aug 23, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 23, 2023
ILOILO -- Tatlong drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tabuc Suba, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Arturo Castor, Danilo Puga at Felicito Cuenca, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachet ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments