3 tulak ng marijuana nasakote
@Balitang Probinsiya | October 23, 2022
BULACAN—Tatlong drug pushers ng marijuana ang nadakip sa isinagawang buy-bust kamakalawa sa mga bayan ng Guiguinto at Obando, kapwa sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Eliterio Pazon, Hazel Domingo at Allan Lucero, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng marijuana ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga marijuana at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments