3 tulak ng “damo”, tiklo sa buy-bust
- BULGAR

- Nov 16, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 16, 2020
LAGUNA—Tatlong drug pushers ng marijuana ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Caingin, Sta. Rosa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Christian Catibo, Omar dela Cruz at Christian Reyes, pawang residente sa nasabing lungsod.
Napag-alamang nadakip ang mga suspek nang magsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay.
Hindi naman nanlaban sa pulisya ang mga suspek na nakumpiskahan ng sachet ng marijuana at markadong pera.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.



Comments