top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

3 tulak nasakote sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 22, 2023



ZAMBALES—Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Del Pilar, Castillejos sa lalawigang ito.


Nakilala ang mga suspek na sina Albert Ferrales, Laurence Callo at Ronnie Crisostomo, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page