top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

3 tulak, nasakote sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 18, 2023


QUEZON—Tatlong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Cotta, Lucena City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng drug dealer na nagsu-supply sa kanila ng ibinebenta nilang shabu.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng mga suspek ay dito na agad dinakip ang tatlong drug pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page